Kasalukuyang namamahagi ang MSWDO kasama ang MDRRMO ng mga yero sa mga residente na may naiulat na nasirang bubong na matapos manalasa ang bagyong ‘Uwan’ noong Nobyembre 10.
Anim na piraso ng yero ang inihandog sa may totally damaged na bubong, at tatlo naman sa mga may partially damaged na bubong.
Ang pondong ginastos dito ay nagmula sa LGU, ngunit ang iba ay mula sa sariling bulsa nina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar T Quiambao. (RSO; MSWDO)









