Noong November 4, 2023, ipinamahagi ng MSWDO ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Checklist sa lahat ng 74 accredited Child Development Centers ng Bayambang.
Ayon kay MSWDO Focal Person on Childhood Care and Development, Marvin P. Bautista, “Ang ECCD Checklist ay isang assessment tool para makuha ang developmental domain ng mga child development learners at ating mga CDCs, upang malaman kung ang learners ay average overall na nga ba o hindi pa.”
“Dito natin malalaman ang performance ng learners partikular na sa kanyang 7 domain characteristics,” aniya. Ag mga domains na ito ay ang: gross motor, fine motor, self-help, receptive language, expressive language, cognitive, at socio-emotional.
Ang ECCD Checklist ay galing sa pondo ng Local Council for the Protection of Children (LCPC).