Direktang Pagbenta ng mga Produkto ng mga Magsasakang Bayambangueño, Tinangkilik ng mga Mamimili

Bumida ang mga sariwa at de-kalidad na ani ng mga magsasaka ng Bayambang sa tabi ng Municipal Legislative Building noong Hunyo 15, 2026, kung saan nagbukas ang isang lokal na pamilihan.

Mula umaga hanggang hapon, dinagsa ng mga mamimili ang mga puwesto kung saan direktang ibinenta ang mga gulay at prutas na galing sa mga lokal na bukirin.

Mayroon ding alok na mga pigmented rice at bottled chicken pastil at bagoong alamang.

Layunin ng aktibidad na ito na bigyang-halaga ang sipag at tiyaga ng mga magsasaka habang nagbibigay ng abot-kaya at masustansyang pagkain sa komunidad.

Salamat sa mainit na pagtangkilik ng mga mamimili, ang pagbili ng mga sariwang ani ay naging malaking tulong para madagdagan ang kita at direktang masuportahan ang kabuhayan ng ating mga lokal na magsasaka. (MADL/RSO; JMB)