Nag-courtesy call noong Disyembre 4, 2025, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Monitoring Team kay Mayor Niña Jose-Quiambao upang iulat ang progreso ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng SGLG Incentive Fund 2024 — kabilang ang Teen Center at Financial Assistance to LGU (FALGU 2024) para sa bagong ambulansya — at upang talakayin ang status ng encoding sa Result-Based Monitoring and Evaluation of LGU Infrastructure Projects (RLIP).
Pinangunahan ang pagbisita ng mga kinatawan mula sa Regional Office na sina Engr. Andy Quiaoit at Engr. Michael Ian Tupas, kasama ang tagapagmonitor mula sa Provincial Office na si Simonette Sangel.
Nakiisa rin ang Municipal Monitoring Team na kinabibilangan nina MLGOO Editha Soriano at Jonas Seth Perez, kasama ang mga kinatawan mula sa Engineering, Accounting, at Planning Office ng LGU-Bayambang.
Malugod silang tinanggap ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa ngalan ng alkalde.
Tiniyak naman ni Atty. Vidad ang tuluy-tuloy na suporta at pakikipagtulungan ng LGU-Bayambang upang maging mas maayos, mabilis, at epektibo ang implementasyon at monitoring ng mga proyekto para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. (KB/RSO; AG)




