Ang dental team ng RHU I ay naglunsad ng isang oral health initiative para sa mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College sa pamamagitan ng oral health education, dental consultations, at dental services noong September 10, 2024.
Layunin ng programang ito na maghatid ng mga naturang serbisyo sa mahigit sa 900 na estudyante sa buong buwan ng Setyembre, upang isulong ang preventive dental care at matugunan ang mga individual dental needs sa pamamagitan ng konsultasyon at gamutan kasama na ang paglilinis ng ngipin at pag-aapply ng dental filling.
Ang aktibidad na ito ay nakatutulong sa pangkalahatang kalusugan ng mga estudyante at nagtataguyod ng patuloy na kamalayan sa kalusugan ng ngipin. (DFJ, RSO; RHU I)