DENR, Mag-iimbentaryo ng mga Istruktura sa mga Forestland ng Bayambang

Nagsagawa ng courtesy call ang Department of Environment and Natural Resources – Region 1 (DENR-R1) sa tanggapan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, kaugnay ng kanilang pagsisimula ng imbentaryo ng mga imprastruktura na matatagpuan sa loob ng mga lupaing nasa kategorya ng “forestland” sa bayan ng Bayambang.

Layunin ng nasabing aktibidad na maisaayos at maitala ang lahat ng umiiral na istruktura sa lugar bilang bahagi ng wastong pamamahala at pangangalaga ng mga nalalabing timberland areas.

Pinangunahan ang inisyatiba ni Forester Derek Bayer, na nagsilbing pangunahing opisyal ng DENR-R1 sa naturang hakbang. Siya ay sinamahan ni MENRO Ma-Lene S. Torio at SEMS Edgardo Angeles ng ESWMO.

Inaasahang makatutulong ang naturang inventory upang mapalakas ang monitoring at proteksyon ng forestland areas sa Bayambang, alinsunod sa mga umiiral na environmental policies at regulasyon. (RSO; photos: ESWMO)