Ang DENR Environmental Management Bureau Region I ay nag-ikot sa Bayambang upang inspeksyunin ang compliance ng lahat ng 77 barangays sa 10-year Solid Waste Management Plan ng LGU-Bayambang bilang pagtalima sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003).
Kasama ang staff ng ESWMO-Bayambang, ang DENR inspection team ay pinangunahan ni Environmental Monitoring Officer Genrev N. Cruz na siyang personal na nag-ikot sa lahat ng barangay sa siyam na distrito para sa technical assistance at monitoring activities sa buwan ng Agosto 2024.
Kabilang sa ang pagkakaroon ng maayos na Barangay Material Recovery Facility, compost pit, at kumpletong dokumentasyon. (RSO; ESWMO)