Matapos ang ulat ng isang insidente ng oil spill sa drainage ng Zone IV, agad na nagsagawa ng malawakang declogging operation ang Engineering Office at ang barangay council ng Zone 4, sa pangunguna ni Punong Barangay Erwin T. Nobida, kasama ang BFP, ngayong araw, ika-26 ng Hulyo, upang matugunan ang epekto nito sa kalinisan at kaligtasan ng komunidad.
Ang oil spill ay naiulat sa nagmula sa isang bahagi ng kanal sa nasabing barangay.
Agad na rumesponde ang mga kinauukulang opisina upang magsagawa ng paglilinis at tanggalin ang mga bara sa drainage system.
Patuloy na mino-monitor ng mga kinauukulan ang lugar upang matiyak na wala nang natitirang kontaminasyon sa kanal at upang magsilbing babala sa mga residente na maging maingat sa tamang pagtatapon ng basura, lalo na kung ito ay isang hazardous waste. (KB/RSO; Engineering Office)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka





