De Vera, Pinarangalan ng PALGA bilang Most Outstanding Municipal Accountant

Pinarangalan bilang isa sa mga Most Outstanding Municipal Accountant ng probinsya si G. Flexner de Vera, CPA, sa ginanap na seremonya ng Pangasinan Association of Local Government Accountants (PALGA) noong Agosto 12, 2025 sa Star Plaza Hotel, Dagupan City.

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang serbisyo at kontribusyon upang makatamo ng unmodified opinion ang LGU-Bayambang mula sa Commission on Audit para sa mga 2024 financial statement ng pamahalaang bayan, sa ilalim ng maayos na pamamahala ng administrasyong Quiambao-Sabangan. (RSO; FMDV; PALGA)