Dayalogo para sa Pagtataguyod ng Reservist Monitoring at Disaster Volunteer Corps, Isinagawa sa Bayambang

Noong ika-12 ng Mayo 2026, sa pamumuno ni Col. Julius Munar Inf (GSC) PA, ang Director ng Philippine Army 104th Community Defense Center, sa pakikipag-ugnayan sa BPSO, ay nagsagawa ng isang dayalogo kasama ang Alpha Company focal persons.

Pinangunahan ito ni Maj. Leo B. Luzano (CE) PA, katuwang ang mga kinatawan ng Alpha Company na pinamumunuan ni 1Lt Amory M. Junio PA (Res), na ginanap sa Bayambang, Pangasinan.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang mahalagang papel ng mga focal persons sa pagtulong sa yunit para sa accounting at monitoring ng mga aktibong reservist mula sa iba’t ibang bayan. Isa rin sa sentro ng usapan ang pagpapadali ng recruitment ng mga kwalipikadong aplikante na may edad 18 hanggang 45 para sa Basic Citizen Military Training (BCMT), bilang paghahanda sa pagbuo at pagpapalakas ng Task Force Pangasinan.

Tinalakay din ang pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang Local Government Units (LGUs) para sa accreditation at activation ng Army Disaster Volunteer Corps (ADVC), na layuning mapahusay ang disaster response at mobilisasyon ng mga boluntaryo sa saklaw ng kanilang responsibilidad. (AMJ/RSO; BPSO)