Ang mga kalahok sa DRRM Course ng MDRRMO para sa Pampublikong Sektor ay nagkaroon ng dalawang module kabilang ang Evacuation Drill.
Sila ay sumailalim sa isang simulation exercise, kung saan ang bawat kalahok ay may tiyak na gawain, tungkulin, at responsibilidad.
Ang nasabing drill ay nagpalakas sa kanilang kakayahan na magbigay ng mabilis na pagtugon at kung ano ang gagawin sakaling magkaroon ng kalamidad at emergency.
Sa pagtatapos ng tatlong araw na kurso, ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga impression at reflection.
Gayundin, ang mga kalahok at barangay na nagpakita ng husay ay nakatanggap ng token, ang mga pinakamataas sa pre-test at post-test ay nakatanggap ng tumbler, at ang mga natitirang grupo ay nakakuha ng tsokolate at biskwit. Ang BDRRMC Chairperson na naroon ay binigyan naman ng first aid pouch. (MDRRMO/RSO; AG)