DAY 2 & 3 – WEIGHING SCALE CALIBRATION AT BAYAMBANG PUBLIC MARKET!

Matagumpay na isinagawa ang Pangalawa at Pangatlong Araw ng Weighing Scale Calibration bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na matiyak ang tamang sukat at patas na kalakalan sa ating pampublikong pamilihan.

Maraming salamat sa lahat ng mga tindero at tindera na nakiisa at nakipagtulungan sa isinagawang Calibration. Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy nating pinangangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili at isinusulong ang katapatan at patas na kalakalan sa ating komunidad.