Dangling Wire Clearing Operations, Isinagawa sa Burgos St.

Nagsagawa ng clearing operations ang Pamahalaang Bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng Wire Clearing Action Group upang alisin ang mga nakalaylay na kawad at mga mapanganib na poste sa kahabaan ng Burgos St., Poblacion area.

Layunin ng operasyon na maiwasan ang mga posibleng aksidente at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, pedestrian, at mga residente sa lugar.

Sa isinagawang trabaho, inalis ang mga nakalaylay na linya at isinailalim sa maayos na pag-aayos ang mga traffic hazard na poste na maaaring magdulot ng panganib sa publiko.

Patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa mga kinauukulang ahensya at utility providers upang agad na matugunan ang iba pang kahalintulad na sitwasyon at mapanatiling ligtas ang mga pangunahing lansangan ng bayan.

Muling pinapaalalahanan ang publiko na iulat sa mga kinauukulang tanggapan ang anumang nakikitang nakalaylay na kawad, sirang poste, o iba pang panganib sa mga pampublikong kalsada upang agad itong maaksyunan. (RSO; WCAG)