Dalawang Centenarian sa Bayambang, Tumanggap ng Cash Gift

Dalawang centenarian mula sa bayan ng Bayambang ang pinagkalooban ng cash gift sa ilalim ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act of 2024 noong Agosto 28, 2025.

‎Kabilang sa mga tumanggap ng insentibo sina G. Eduardo G. Caerlang ng Brgy. Pangdel at Gng. Paula J. Ramos ng Brgy. Tanolong, sa pamamagitan ng isang door-to-door awarding na isinagawa ng mga kinatawan ng National Commission of Senior Citizens at lokal na pamahalaan kabilang ang MSWDO at OSCA.

‎Ang pagkakaloob ng insentibo isang pagkilala at pagpapahalaga sa mga matatanda na umabot sa gulang na 100 taon, bilang inspirasyon ng tatag at dedikasyon sa kanilang pamilya at komunidad. (RGDS/RSO; MSWDO)