DA-BPI Director, Nanguna sa Info Caravan on Agri Credit Programs

Isang “Information Caravan on Agri Credit Programs” ang isinagawa para sa mga onion at mango growers ngayong araw, October 17, 2023, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, sa pagtutulungan ng Department of Agriculture Central Office at Regional, Provincial, at Municipal Agriculture Office.

Naging resource speakers sa info drive ang mga personnel ng High-Value Crops Development Program, Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at Agricultural Competitivenesss Enhancement Fund Credit Program Unit ng DA at mga opisyal ng iba’t-ibang agricultural cooperative.

Dito ay binigyan ng up-to-date na impormasyon ang may 300 na lokal na onion at mango farmers ukol sa mga agri credit program na handog ng DA, DA-ACPC, Landbank, at Development Bank of the Philippines, pati na sa crop insurance sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corp., partikular na kung paano mag-apply sa mga ito at kung anu-ano ang mga requirement.

Nanguna sa info caravan si Bureau of Plant Industry Director, Dr. Gerald Glenn F. Panganiban, na siya ring concurrent director ng HVCDP at NUPAP. Siya ay malugod na winelcome sa bayan ng Bayambang ng Acting Municipal Mayor na si Vice Mayor Ian Camille Sabangan at OIC Municipal Agriculturist Zyra Orpiano.