Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang municipal budget para sa taong 2025 na nagkakahalagaa ng PhP651,673,168.26, sa isinagawang Committee Hearing ng Sangguniang Bayan (SB) sa SB Session Hall noong October 1, 2024.
Sa pagdinig ay isa-isang dinipensahan ng mga LGU department heads ng executive branch, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang kani-kanilang naihandang 2025 budget allocations.
At base sa pagsusuri ng mga konsehal sa pangunguna ni SB Committee Chairman on Finance, Budget, and Appropriations, Coun. Philip Dumalanta, ang mga budget na ito ay nakitang naaayon sa itinakda ng batas at sa nakabalangkas na budget sa Annual Investment Plan ng LGU.
Kanilang tiniyak na ang mga paglalaanan ng mga pondo ay gagamitin nang makabuluhan para sa mga kapakanan ng mga Bayambangueño.
Ayon sa organizer ng hearing na si SB Secretary Joel V. Camacho, “The budget approval is the most important piece of legislation by the SB. Without the legislative branch’s approval of the budget, all public services will be paralyzed, be they in the area of education, health services, procurement of medicines, infrastructure, social services, or municipal operations in general.” (Angel P. Veloria/RSO; AG)