CSOs, Pinulong ukol sa Kanilang Kolaborasyon sa LGU

Ang lahat ng CSO federated officers at members sa Bayambang ay pinulong noong September 11, 2024, sa Sangguniang Bayan Session Hall upang talakayin ang kanilang calendar of activities at kung papaano masi-synchronize ang mga ito sa mga nakaplanong aktibidad ng Munisipyo.

Tinukoy din sa naturang pulong kung anu-ano ang mga poverty reduction initiatives kung saan sila maaaring makipag-collaborate sa LGU para sa kapakinabangan ng ating mga marginalized sectors.

Pinangunahan ang pulong ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kasama ang Municipal Planning and Development Office, ICT Office, at Bayambang Poverty Reduction Action Team. (RSO; JMB)