Alinsunod sa Bayambang Poverty Reduction Plan Good Governance strategy ng LGU-Bayambang na kinikilala na ang tapat at competent na mga kawani ay malaking tulong sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan, nakipagpulong ang LGU sa pangunguna ni Mayor Nina Jose-Quiambao sa Civil Service Commission (CSC) sa pangunguna ni Director Rainier G. Repollo, Director II CSC Field Office Western Pangasinan, Lingayen, Pangasinan ngayong araw, July 1, 2026, sa Mayor’s Conference Room.
Napag-usapan sa pulong, sa pamamagitan nina HRMO Head, Atty. Melinda Rose Fernandez; Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad; MPDC James Ryan Nicholai Dizon; at ICT Officer Ricky Bulalakaw, ang mga best practice ng LGU at ang mga rekomendasyon ng CSC sa Learning and Development, Performance Management, at Rewards and Recognition.
Kasama sa rekomendasyon ang pagtukoy ng mga learning service provider at mga tao o organisasyon na nagbibigay ng learning at training programs.
Napag-usapan din na maaari ring mag-tap ng internal learning service providers na mga empleyado ng LGU na maaaring mag-share ng kanilang kaalaman upang mapagbuti ang antas ng paglilingkod.
Kinilala rin ng CSC ang mga magagandang practices ng LGU-Bayambang, tulad ng executive order tungkol sa Learning and Development Committee at ang patuloy na accreditation ng LGU sa recruitment, selection and placement. (RVB; JMB)





