CR, Patuloy ang Pag-award ng Birth Certificate in SECPA at Paghandog ng Free Delayed Registration of Birth

Ang Local Civil Registry office ay muling nagsagawa ng house to house awarding of Birth Certificate in Security Paper (SECPA) sa Brgy. Wawa, Pugo, Ataynan, at Buenlag 2nd.

Ang LCR ay may 10 na kabuuang benepisyaryo sa nasabing serye ng aktibidad. Karamihan sa benepisyaryo ay mga senior citizen.

Kasabay nito ang pag-aasiste sa mga wala pang birth certificate.