Noong January 15, pinulong ng Municipal Administrator ang iba’t ibang departamento at CSOs upang pag-usapan ang paglulunsad ng Grand Ukay for a Cause sa darating na April sa linggo ng kapistahan.
Ang Ukay for a Cause ay isang matagumpay na housing program ni Mayor Niña para sa underprivileged Bayambangueños.
Kabilang sa mga pinag-usapan ang gagawing fashion show, ukay shop, at pagbenta ng mga stub.
Sa naturang pulong ay tinalakay ang mga plano at paghahandang kailangang gawin upang maging maayos at organisado ang aktibidad. Layunin ng ukay for a cause na makalikom ng mga donasyon upang makaipon ng pondo na gagamitin sa pagbili ng kubo para sa di bababa sa 32 na pamilyang Bayambangueño bilang indigent beneficiaries.
Ang meeting ay pinangunahan ni Atty. Rodelyn Rajini Sagarino Vidad at Councilor Jocelyn Espejo. Ibinahagi nila ang mga dapat paghandaan, kabilang ang iskedyul ng aktibidad, mga gagampanang tungkulin, at mga hakbang para masigurong maayos ang daloy ng level-up na grand ukay-ukay event. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng maagang paghahanda upang maiwasan ang aberya sa mismong araw ng aktibidad.
Kasama sa paghahanda ang pakikipag-ugnayan sa Rotary Club of Bayambang, sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Ms. Leonora Sagun kasama si Ms Maribell Perreras, General Manager ng CSFirst Bank, CSO Federation of Bayambang President Juanita Sumaya, at ang mga department head. Dahil sa pagtutulungan ng bawat isa, napag-usapan ang pangangalap ng ukay items, pag-aayos ng venue, at pagtalaga ng mga taong tutulong sa aktibidad. Ipinakita nito na mas nagiging maayos ang trabaho kapag may koordinasyon at pagkakaisa. (Valerie Faye Yerro/RSO; AG)




