COMPLETED: Alley Road sa Manambong Sur

Kamakailan ay nakumpleto ng Municipal Engineering Office ang konstruksyon ng isang alley road sa Brgy. Manambong Sur.

Ang mga residente doon ay hindi na magtitiis sa mabato, baku-bako, at maalikabok na daan tuwing tag-araw at maputik na daan tuwing tag-ulan. (RSO; MEO)