Nagpatuloy ang serye ng Sangguniang Bayan (SB) Committee Hearing ukol sa Supplemental Budget at Tax Ordinance ng iba’t ibang barangay noong Marso 17, 2025.
Ang pagdinig na inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho ay ginanap sa SB Session Hall, Legislative Building at dinaluhan ng mga Punong Barangay kasama ang miyembro ng kani-kanilang konseho mula sa Brgy. Alinggan, Zone V, at Tamaro.
Dinepensahan ng mga barangay ang mga binalangkas nilang budget para sa nakaplanong proyekto sa kanilang lugar.
Ang naturang pagdinig ay pinangunahan nina SB Committee Chairman on Finance, Budget, and Appropriations, Councilor Jose S. Ramos, kasama sina Committee Chairman on Ways and Means, Councilor Amory M. Junio, at SK Federation Chairperson Marianne Cheska Dulay.
Patuloy na nirerepaso ng SB ang mga naturang budget at ordinansa upang matiyak ang maayos at epektibong paggamit ng pondo ng barangay. (RGDS/RSO; SB)