Noong April 25, 2024, isa na namang Committee Hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan ukol sa Supplemental Budget at Tax Ordinance ng iba’t ibang barangay ang pagdinig na inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho ay ginanap sa SB Session Hall, Legislative Building.
Ito ay dinaluhan ng mga Punong Barangay kasama ang miyembro ng kani-kanilang konseho mula sa San Gabriel 2nd, Idong, Carungay at Bacnono, gayundin ang ang SK Chairperson ng San Vicente, Buenlag 2nd at Telbang upang depensahan ang mga binalangkas na budget para sa nakaplanong proyekto sa kanilang barangay.
Ang naturang pagdinig ay pinangunahan nina SB Committee Chairman on Finance, Budget, and Appropriations, Councilor Philip R. Dumalanta, Committee Chairman on Rules, Laws, and Ordinances, Councilor Amory M. Junio, at Councilor Jose Ramos. (nina Vernaliza M. Ferrer, Angelica Arquinez/RSO; larawan: SB)