Ngayong araw, May 23, 2024, isa na namang committee hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan patungkol sa Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) ng mga Sangguniang Kabataan para sa taong 2024, at ito ay ginanap sa SB Session Hall, Legislative Building.
Dito ay idinepensa ng mga SK Chairperson at kanilang mga miyembro ang kanya-kanyang budget at iba’t ibang proyekto sa Barangay Reynado, Malioer, Pangdel, Cadre Site, Zone 7, Balaybuaya, at Banaban.
Ang pagsusuri at paghihimay sa detalye ng mga inilatag na budget appropriation ay pinangunahan nina Councilor Jose “Boy” Ramos, Councilor Gerardo Flores, at SK Federation President Marianne Cheska B. Dulay upang siguraduhing naayon ang mga ito sa batas bago maaprubahan.
Ang pagdinig ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho at kanyang staff. (nina Daryl M. Mangaliag, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)