Ngayong araw, May 22, 2025, isinagawa ang isang Committee Hearing kaugnay ng panukalang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Municipal Ordinance No. 05-2022, na may titulong, “An Ordinance Establishing the Bayambang Polytechnic College (BPC) in the Municipality of Bayambang, Pangasinan, Defining Its Mandate and for Other Purposes.”
Ito ay ginanap sa SB Session Hall, Legislative Building.
Ang nasabing pagdinig ay pinangunahan ni Hon. Mylvin Junio, Municipal Councilor at Chairman ng SB Committee on Education, katuwang si SB Secretary Joel V. Camacho sa pag-oorganisa.
Layunin ng Committee Hearing na mas mapalalim ang kaalaman at maipaliwanag ang mga mungkahing pagbabago sa ordinansa sa tulong ng mga kinatawang may teknikal na kakayahan at malawak na kaalaman sa usapin.
Kabilang sa dumalo sa pagdinig ang mga kinatawan nina BPC President, Dr. Rafael L. Saygo; Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad; Municipal Legal Officer, Atty. Bayani B. Brillante, Jr.; at HRMO Department Head Nora R. Zafra; at si Municipal Budget Officer Marie Christine V. Bautista.
Layunin ng ordinansa na mas mapabuti pa ang mandato, operasyon, at serbisyo ng BPC para sa mas maraming Bayambangueño. (KB/RSO; MP/SB)