Ngayong araw, ika-22 ng Mayo, 2025, nagsagawa ang Sangguniang Bayan (SB) ng isang committee hearing ukol sa Sangguniang Barangay Annual Budget at Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP) para sa Calendar Year 2025 at ito ay ginanap sa SB Session Hall, Legislative Building.
Dito ay inilatag ng bawat SK Chairperson at ng kanilang mga miyembro ang kanya-kanyang budget at iba’t ibang prayoridad na programa at proyekto para sa kanilang nasasakupan sa Brgy. Pugo, Hermoza, Telbang, San Vicente, Ligue, Tococ West, Macayocayo, Tamaro, Buenlag 2nd, Banaban, at Bani.
Sinuri rin ng SB ang inihain na Barangay Tax Ordinance ng Ambayat 2nd officials.
Ang pagdinig ay pinangunahan ni SB Committee on Finance, Budget, and Appropriations Chairman, Councilor Jose S. Ramos at Sangguniang Kabataan Federation President at Chairman ng SB Barangay Youth Committee Marianne Cheska B. Dulay sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel V. Camacho.
Ang komprehensibong pagsusuri sa mga panukalang badyet ay bahagi ng patuloy na layunin ng pamahalaang bayan na matiyak ang maayos, tapat, at epektibong pamamahala ng pondo para sa kapakanan ng kabataang Bayambangueño. (KB/RSO; MPT/SB)