Committee Hearing, Isinagawa para sa Akreditasyon ng United TODA Federation of Bayambang, Inc. 

Noong October 14, isang Committee Hearing ang isinagawa ng SB Committee on Transportation at Committee on People’s Participation, para sa application for accreditation ng United TODA Federation of Bayambang, Inc. upang ang pederasyon ay makasali sa mga local special bodies ng LGU.

Ang pagdinig ay inorganisa ni SB Secretry Joel Camacho at pinangunahan ni SB Committee Chairman on Transportation, Hon. Amory M. Junio, at SB Committee Chairman on People’s

Participation, Hon. Maianne Cheska B. Dulay.

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng naturang pederasyon sa pamumuno ng presidente na si Emilio Requilman Jr. (RSO; SB)