Ang Commission on Elections (COMELEC) ay nagsagawa ng demonstrasyon sa paggamit ng Automated Counting Machine para sa mga first-time voters, sa pangunguna ni Acting Election Officer, Michael Bryan Onia, noong December 2, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Dumalo rin sa demo ang PNP at mga kawani ng LGU.
Bahagi ito ng layunin ng COMELEC na mapalawak ang kaalaman ng bawat botante ukol sa bagong makina na gagamitin sa darating na national at local elections at sa BARMM parliamentary election sa May 12, 2025.
Sa nasabing programa, agad ding sinagot ni G. Oña ang mga naging katanungan ng mga bontante. (Patrick Darius Salas/RSO; PDS)
#MakaBAGOngHalalanParaSaMakabagongPilipino