Isang Color Fun Run for a Cause ang matagumpay na idinaos ng Sangguniang Kabataan Federation at Local Youth Development Office noong ika-21 ng Setyembre, 2024, bilang isa fundraising campaign para sa mental health.
Nakilahok dito ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan, Bb. Bayambang Foundation, Rotary Club of Bayambang, LGBTQI Association, NGOs, at iba’t ibang mga departamento at ahensya.
Sa aktibidad na ito, itaas ang kamalayan ng mga kabataan ukol sa mental health at suicide prevention.
Ang mga nalikom ay gagamitin para sa libreng konsultasyon tulad ng mental health counseling para sa mga Bayambangueño. (KALB/RSO; AG)