Ang Commission on Audit ay nagsagawa ng isang exit conference noong Mayo 26, 2026, sa Mayor’s Conference Room bilang parte ng preparasyon sa Annual Audit Report ng ahensya para sa lahat ng transaksyon ng LGU sa Calendar Year 2025.
Tinalakay sa pagpupulong ang iba’t ibang audit observations at recommendations ng COA, kabilang ang status ng implementasyon ng mga rekomendasyong inilabas noong mga nakaraang taon.
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga concerned department heads ng LGU Bayambang upang talakayin at tugunan ang mga usaping may kaugnayan sa financial management, operasyon, at implementasyon ng mga programa ng munisipyo. (KBP/SMGC;VMO)





