Matapos ang sunog kagabi, agad na umaksyon ang lokal na pamahalaan kasama ang ESWMO at SEE para simulan ang clearing operation upang linisin ang nasunog na lugar at maiwasan pa ang posibleng panganib.
Kasabay nito, ipinatupad din ang paglilinis sa harap ng Magic Building kung saan itatayo ang pansamantalang mga pwesto ng mga tindahan na naapektuhan ng sunog.
Sinisiguro ng lokal na pamahalaan na ang mga pansamantalang istruktura ay maayos at ligtas para sa mga Bayambangueño.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsusuri at pagsasaayos ng mga nasunugang lugar upang mapanumbalik ang normal na operasyon ng mga nasunugang mga stall owners.