Agad na kumilos ang MDRRMO Bayambang upang magsagawa ng clearing operation sa Purok 2, Barangay Malioer noong Mayo 6, 2026, matapos matamaan ng kidlat ang dalawang puno ng niyog na nagdulot ng potensyal na panganib sa komunidad.
Ang operasyon ay isinagawa bilang tugon sa kahilingan ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Maingat na inalis ang mga napinsalang puno upang maiwasan ang posibleng aksidente o pinsala sa mga tao at ari-arian. (RSO; MDRRMO)





