CLEARING OPERATION, PATULOY: PAGHAHANDA PARA SA TAG-ULAN at PAG-IWAS SA SUNOG NGAYONG TAG-ARAW

Agarang tugon ng MDRRMO sa Clearing Operation sa Public Cemetery – Bonery

Agad na tumugon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni LDRRMO Genevieve N. Uy sa kahilingan ng SEE upang magbigay ng tulong sa isinagawang clearing operation sa Public Cemetery – Bonery. Layunin ng nasabing operasyon na linisin at ayusin ang lugar, partikular ang pagtanggal ng mga tumubong malalaking puno at makapal na damo na maaaring magdulot ng panganib at sagabal sa mga bumibisita at sa karatig na komunidad.

Bilang tugon, nag-deploy ang MDRRMO ng mga responders na may dalang kumpleto kagamitan at kaalaman sa paggamit upang mapabilis at maging maayos ang pagputol ng mga puno at pagclear sa mga makakapal at matataas na damo sa nasabing lugar. Ang agarang aksyon ng tanggapan ay nagbigay-daan sa mas episyenteng pagsasagawa ng clearing operation, na mahalaga sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng pampublikong sementeryo.

Sa pamamagitan ng koordinasyon sa pagitan ng MDRRMO at SEE, naging maayos ang daloy ng operasyon. Ipinakita nito ang kahalagahan ng mabilis na pagtugon at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Patuloy ang MDRRMO sa kanilang mandato na magbigay ng agarang serbisyo at suporta sa ganitong gawain, bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatili ang pag-iwas sa lahat ng mga nakaambang panganib upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan, kaayusan ng buong kumumidad, at kahandaan sa pagtugon kung kinakailangan.