Ang MSWDO, sa pakikipag-tulungan kay KALIPI President Jocelyn Espejo, ay nagsagawa ng isang clean-up drive sa ANCOP Ville, Brgy. Sancagulis, ngayong araw, March 11, 2025, upang tiyaking tuluy-tuloy na malinis at maayos ang lugar para sa mga benepisyaryo ng libreng pabahay doon.
Dala-dala ni Gng. Espejo ang kanyang mga kasamahan sa KALIPI mula sa Brgy. Inirangan, Tamaro, Bical Sur, Bical Norte, Zone VII, Buenlag 2nd, at Sancagulis.
Kabilang sa mga volunteer ang CSOs na Balon Sapang Farmers’ Association sa pamumuno ni Manuel Chua, Malioer Farmers’ Association sa ilalim ni Juanita Sumaya, at Ataynan Farmers’ Association sa pangunguna ni Resie Castillo.
Tumulong din ang mga miyembro ng Bayambang National High School (BNHS) Batch 1990, na siyang nagsponsor ng meryenda. (RSO; JMB)