Cleaning of Public Cemetery Bonery Area Update!

Matagumpay nang natapos ang isinagawang paglilinis sa Public Cemetery Bonery Area ng Bayambang sa pangunguna ng LGU-SEE Staff.

Matapos ang paglilinis ng mga damuhan, clearing, at pag-aayos ng paligid, patuloy na lamang ngayong pinananatili ang kalinisan at kaayusan ng lugar upang masiguro ang maayos at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat.

Malaki na ang naging pagbabago sa kabuuang paligid bilang bunga ng sama-samang pagsisikap at dedikasyon ng LGU-SEE Staff sa pagpapanatili ng malinis at maayos na pampublikong lugar.