Clean-up at Flushing Operations sa Paligid ng Public Market at Plaza, Isinagawa

Ang Task Force Disiplina, ESWMO, BFP, at SEE ay nagtulung-tulong upang mapanatiling malinis ang bayan noong January 14, 2026 simula ala-siyete ng gabi.

Nilinis ng buong team sa pamamagitan ng pagwawalis at pag-flushing sa may TODA Terminal, gilid ng Public Plaza, at harap ng Public Market sa may Solid Waste drop-off point.

Personal na inasistehan ni MENRO Ma-lene Torio at TFD Deputy Amory Junio ang isinagawang clean-up at flushing operations. (MST/RSO; ESWMO)