Civil Registration Services, Dinala sa Brgy. Managos

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit ang mga serbisyong pang-rehistrasyong sibil sa komunidad, matagumpay na isinagawa ang “Your Name, Your Right” program ng LCRO sa Brgy. Managos noong Hunyo 17, 2026.

Dinaluhan ito ng mga magulang at kabataan na nagnanais mabigyan ng gabay at tulong kaugnay ng kanilang mga dokumentong sibil.

Personal na tinugunan ni Local Civil Registrar Ismael D. Malicdem Jr. ang mga katanungan at suliranin ng mga residente hinggil sa kanilang mga dokumento sa civil registration. Nagbigay siya ng kaukulang impormasyon at gabay tungkol sa mga proseso at serbisyong maaaring makatulong sa pagresolba ng kanilang mga usapin.

Naghatid din ang programa ng iba’t ibang serbisyong direktang tumugon sa pangangailangan ng komunidad, kabilang ang late registration ng kapanganakan, kasal, at kamatayan; Birth Registration Assistance Project (BRAP); pagwawasto ng clerical errors; Admission at Acknowledgment of Paternity; paggamit ng apelyido ng ama para sa mga batang ipinanganak sa labas ng kasal; legitimation; supplemental report; at iba pang serbisyong sibil.

Naisabay rin sa aktibidad ang data capturing para sa upgraded Community Service Card ng mga residente ng Brgy. Managos, upang mapadali ang pagtanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng ugnayan ng LGU at GCash.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas maraming residente ang nabigyan ng pagkakataong maipaayos at mabigyang-linaw ang mga usapin kaugnay ng kanilang mga dokumentong sibil, kasabay ng pagpapalawak ng akses sa mga serbisyong hatid ng pamahalaan sa antas ng barangay. (LCRO/RSO; LCRO