Child Development Workers, Teachers’ Aides, Sumailalim sa Capacity-Building Training

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga serbisyong pangangalaga at paghubog sa mga batang Bayambangueño, nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ng Child Development Workers’ and Teachers’ Aide Training sa 3rd Floor ng MSWDO Building, Brgy. Magsaysay, June 30, 2026.

Tampok sa pagsasanay ang Parents Effectiveness Service (PES) Refresher Training na pinangunahan nina Ms. Rebecca V. Ignacio, PES Advocate mula sa LGU Bautista, at Ms. Marilyn Cayabyab, Child Development Worker President ng LGU San Carlos City. Tinalakay rin ni Ms. Venus M. Bueno, Municipal Nutrition Action Officer (MNAO), ang wastong food preparation, health, at nutrition upang higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pangangalaga at pag-unlad ng mga bata.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, patuloy na pinatitibay ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang kakayahan ng mga child development worker at teachers’ aide upang makapaghatid ng mas mahusay at mas makabuluhang serbisyo para sa kapakanan ng mga batang Bayambangueño at kanilang mga pamilya. (LFA; JMB)