Child Development Service Focal Person ng MSWDO, Pinarangalan!

Ang Child Development Service Focal Person ng MSWDO ng LGU-Bayambang na si G. Marvin P. Bautista ay pinarangalan ng “Natatanging Child Development Award” dahil sa kanyang kahanga-hangang paglalakbay bilang lingkod-bayan at tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga kabataang Bayambangueño, sa ginanap na Gabi ng Parangal sa 13th Regional Convention noong Pebrero 27, 2026 sa Crown Legacy Hotel sa Baguio City.

Mula sa masigasig na pagtupad sa kanyang tungkulin hanggang sa pagiging huwarang lider sa larangan ng Early Childhood Care and Development (ECCD), si G. Bautista ay kinilala sa kanyang dedikasyon, malasakit, at malinaw na pananaw para sa mas maunlad na kinabukasan ng ating mga musmos na kabataan.

Sa kanyang hindi matatawarang commitment at inspiradong pamumuno, mas lalo pang napapalakas ang mga programa para sa maagang paghubog ng kabataan sa Bayambang. Ang kanyang paglilingkod ay nagsisilbing tanglaw at inspirasyon sa kapwa niya lingkod-bayan at sa buong komunidad.

Ang parangal ay tinanggap ni Ms. Estherly Frias, Presidente ng Federation of Child Development Workers Association of Bayambang.

Isang mainit na pagbati, G. Marvin P. Bautista, mula sa iyong kapamilya sa LGU-Bayambang! (RSO; FCWA)