CFLGA Award, Pormal nang Tinanggap ng LGU

Sa ngalan ni Mayor Niña, pormal nang tinanggap ng LGU, sa pamamagitan ng MSWDO at ECCD Focal Persons, ang Seal of Child-Friendly Local Governance 2022-2023 mula sa DILG, sa isang seremonya sa Lingayen na ginanap noong Disyembre 2, 3025.

Pinangunahan ni MSWD Officer Kimberly Basco ang pagtanggap ng karangalan.

Kasabay nito ang pagkilala kay Lina Junio sa kanyang pagkapanalo sa Global IT Challenge 2025 sa Ulsan, South Korea kamakailan, sampu ng kanyang BNHS adviser na si Mr. Raffy Carungay at PDAO Johnson Abalos. (RSO; MSWDO)