CENPELCO, Inimbitahan upang Magpaliwanag ukol sa Lumalalang Serbisyo at Taas ng Singil

Noong Setyembre 25, 2023, inimbitahan ng Sangguniang Bayan Committee on Public Utilities ang Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) sa isang hearing upang magpaliwanag ukol sa lumalalang lebel ng kanilang serbisyo sa kabila ng taas ng singil sa kuryente.

Pinangunahan ang hearing ni Committee Chairman, Coun. Gerardo ‘Gerry’ DC. Flores, kasama ang iba pang konsehal at sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Engr. Rudyfer Macaranas ng Engineering Office, at Dr. Rafael L. Saygo ng MTICAO.

Ayon sa CENPELCO, sa pangunguna ni Engr. Rodrigo Corpuz, General Manager; Engr. Jonathan Favi, District V Board of Director Chairman; at Albino dela Cruz, Bayambang Sub-Manager, malaking dahilan ng mga di inaasahang power interruption ang mga sanga ng punongkahoy na humahampas sa mga kawad ng kuryente sa bara-barangay, at ang kakulangan nila ng personnel upang makita lahat ang mga ito at magsagawa ng nararapat na maintenance pruning operations. Sa hearing, nangakong makikipagtulungan ang CENPELCO sa LGU-Bayambang upang maresolba ang problema at mabigyan ng agarang solusyon para makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa publiko.

Ang hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel V. Camacho sa SB Session Hall.