CDW Week, Masayang Ipinagdiwang; Dedikasyon sa mga Bata ng mga CDW, Pinarangalan

Nakiisa ang pamahalaang bayan sa pagdiriwang ng Child Development Workers’ (CDW) and Child Development Teachers’ Week bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga tagapag-alaga at guro sa maagang paghubog ng mga kabataan.

Sa isang maikling pagbisita ngayong araw, Hunyo 9, 2026, sa 34K Hotel and Resort, Bautista, personal na binati at pinasalamatan ng mga opisyal ang mga Child Development Workers para sa kanilang walang sawang pag-aaruga, pagmamahal, at dedikasyon sa mga batang kanilang ginagabayan araw-araw.

Kasama sa pagdiriwang sina Municipal Councilor Jocelyn S. Espejo, chairperson ng Committee on Social Welfare, Municipal Councilor Rhyan P. De Vera, at SWO II Rica Paneda, na nagpahayag ng suporta at pasasalamat sa mga CDW at Child Development Teachers sa kanilang mahalagang ambag sa komunidad.

Binigyang-diin ng mga opisyal na ang malasakit at tiyagang ipinapakita ng mga Child Development Workers ay may malaking bahagi sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at sa pagtataguyod ng isang mas matatag na pamayanan.

Bilang pagtatapos, nagpaabot sila ng pagbati at pagkilala sa lahat ng Child Development Workers at Child Development Teachers para sa kanilang patuloy na paglilingkod.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 404, serye ng 2003, idineklara ang Hunyo 7 hanggang 11 ng bawat taon bilang Pambansang Linggo ng mga Day Care Worker, isang pagdiriwang na may layuning parangalan at kilalanin ang mga day care worker dahil sa kanilang napakahalagang ambag sa paghubog at paggabay sa mga bata sa kanilang mga unang yugto ng buhay.

Maligayang CDW Week sa ating mga huwarang lingkod ng kabataan! (RSO; MSWDO)