CDC Learners, Nagtagisan sa Nutri-A1 Child – ‘Family Feud’ Edition

Isa sa tampok sa pagdiriwang ng 51st National Nutrition Month ngayong taon ay ang pagdaos ng “Nutri-A1 Child – Family Feud Edition,” isang paligsahan na nilahukan ng mga batang mula sa Child Development Centers (CDCs) ng iba’t ibang barangay, kasama ang kanilang mga magulang, upang patunayan ang kanilang kaalaman sa tamang nutrisyon at kalusugan.

Ito ay ang pinangunahan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong  Hulyo 8, 2025 sa Balon Bayambang Events Center.

Sa programa ay nagbigay ng pambungad na mensahe si MSWD Officer Kimberly Basco.

Ayon naman kay Municipal Administrator, Atty. Rodelynn S. Vidad, “Batid namin na kayong mga bata ang foundation ng future sa ating bayan, sapagkat may mga liders tayo, especially si Mayor Niña, na pinahahalagahan kayo para lumaking malusog at masustansya.” 

“When we work together, good things happen,” dagdag nito.

Inimbitahan din sina Municipal Councilor Jocelyn S. Espejo upang bumati sa kabataan at magbigay din ng kanilang mensahe sa programa bilang chairperson ng Sangguniang Bayan Committee on Social Services.

Nagwagi sa patimpalak sina Amiel Peter Caguioa Brgy. Banaban CDC, Mhar Jhonder Decipulo ng Brgy. San Gabriel 1st CDC, McJaden R. Junio ng Brgy. Warding CDC, at Queen Brianna S. Uson ng Brgy. Tanolong.

Nakatanggap ang mga nanalo ng P16,000, at ang mga ‘di pinalad na manalo ay mayroong P6,000 consolation prize.

Sa pangwakas na mensahe ni Gng. Bueno, pinuno ng MNAO, “Ang pagtutulungan ng mga bata sa larong ito ay simbolo ng sama-samang hakbang tungo sa malusog na kinabukasan. Dito natin ipinapakita na ang nutrisyon ay hindi lamang usapin ng pagkain, kundi ng pagmamahal at disiplina sa pamilya.”

Sa munting patimpalak, muling napaigting ng Municipal Nutrition Committee ang kamalayan ng mga bata at pamilya sa kahalagahan ng balanseng pagkain, aktibong pamumuhay, at tamang pag-aaruga sa kalusugan. (VMF/RSO; JMB; MNAO)