Ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) ay nagbigay ng isang refresher seminar para sa mga ng CCTV operator nito noong October 29, upang mapanatili ang kanilang kahusayan at kahandaan sa tungkulin.
May dalawampu’t limang CCTV operators at administrators ang lumahok dito, kung saan napalalim ang kanilang kaalaman sa tamang operasyon ng mga CCTV.
Kabilang sa mga naging lecturer sina Gabby Canapi, Lead Installer, at Arniel Falogme, Marketing
Officer ng ARLH10 IT Solution & General Merchandise at Armando Junio II ng ICTO.
Dumalo naman bilang guest speaker ICT Officer Ricky Bulalakaw at nagbigay ng pangtapos na mensahe si Councilor Jan Nazer David B. Junio.
Inaasahang makatutulong ang refresher seminar na ito sa mas mabilis na pagtugon sa mga insidenteng nakakaapekto sa seguridad at kaayusan ng pamayanan. (Dexter Cedie Cayabyab, JLT; AG)










