CBMS Coordinating Board, Tinipon para sa Epektibong Implementasyon ng Community-Based Monitoring System

Muling tinipon ang mga miyembro ng Community-Based Monitoring System (CBMS) Coordinating Board ng LGU-Bayambang noong Hunyo 17, 2026 upang talakayin ang mga mahahalagang hakbang sa mandatory na implementasyon ng 2027 CBMS o Community-Based Monitoring System sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority.

Maingat na tinalakay sa pulong ang mga kinakailangang kaalaman ukol sa CBMS implementation, paglilinaw ng mga papel ng bawat miyembro ng CBMS Coordinating Board ng Munisipyo, at masusing koordinasyon at kolaborasyon ng lahat ng miyembro.

Tinalakay nina Darwin T. Sotelo, Statistical Analyst, at Mark Aljon S. Mamongay, Statistical Specialist I, ang pangkalahatang ideya ng CBMS, membership at Terms of Reference ng Coordinating Board, Capacity Strengthening Activities para sa mga LGU sa 2026, at ang 2027 CBMS Resource Allocation Tool.

Kasama rin sa mga presentasyon ang Map Research, 2026 Updating of List of Aquaculture Farms, at ang Statistical Survey Review and Clearance System bilang bahagi ng pagpapalakas ng data-driven governance sa bayan.

Dinaluhan ang pagpupulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao at mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang tanggapan at departamento ng lokal na pamahalaan na katuwang sa pagpapatupad ng CBMS sa Bayambang, kasama ang iba’t ibang ahensya at iba pang mga concerned groups.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pangunguna ni MPDO head, EnP Ryan James Nicholai L. Dizon. (KB/RSO; AG)