Matagumpay na naglunsad ang Public Employment Service Office (PESO) ng Career Development and Support Program ngayong araw, 2-Disyembre para sa mga mag-aaral ng Grade 10-12 ng Ambayat Integrated School. Layunin nito na gabayan ang kabataan sa paghahanda sa mundo ng trabaho at tamang pagpili ng karera.
Pinangunahan nina SLEO Gernalyn J. Santos at Jeffrey S. Ferrer ng PESO ang talakayan ukol sa pagtukoy ng passion, skills, at interests bilang batayan sa pagdedesisyon ng karera. Ibinahagi rin ang mga tamang asal at pag-iwas sa maling gawi sa workplace.
Naging posible ang programa sa tulong nina Gng. Ma. Nenitha de A. Guzman at G. Juanito D. Odon III kapwa mga guro sa nasabing paaralan.
Nagpasalamat ang PESO sa pakikipagtulungan ng paaralan at binigyang-diin ang patuloy na adhikain na palawakin ang ganitong mga proyekto. (PESO; PESO)








