Nagsagawa ang Municipal Nutrition Action Office at Office of the Special Economic Enterprise ng calibration ng lahat ng weighing scales na ginagamit sa lahat ng barangay sa tulong ng mga nagtraining na LGU calibrators.
Ito ay upang masiguro na tama ang pagsukat ng timbang sa mga kabataan at maiwasan ang mga false positive readings, at tama ang panimbang ng lahat ng weighing scales sa palengke.
Ang aktibidad ay isinagawa noong Agosto 7, 2024, sa Balon Bayambang Events Center. (RSO; JMB)