Noong November 28, nagsagawa ang Special Economic Enterprise Office ng calibration ng mga timbangan na ginagamit ng mga Barangay Nutrition Scholar ng Rosales, Pangasinan. Layunin nitong matiyak na tama at maaasahan ang lahat ng pagsukat ng timbang para sa mas tumpak na datos sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata at benepisyaryo.









