Isang calibration activity ang isinasagawa ngayong araw, August 8, hanggang bukas, August 9, 2023, ng mga staff mula sa Special Economic Enterprise at mga Rural Health Unit para maitama ang lahat ng depektibong timbangan na ginagamit sa mga barangay.
Ang aktibidad na ito ay nagsisilbing aplikasyon ng kanilang naging calibration training mula sa DOST kamakailan.
Ang naturang DOST-trained pool of calibrators ng LGU ay nag-calibrate ng lahat ng weighing scales na ginagamit sa barangay tulad ng Salter scale, bench type scale, at platform scale na karaniwang ginagamit sa nutritional assessment ng mga bata sa barangay, upang masiguro ang accuracy ng mga measuring tools na nabanggit na malimit na ginagamit ng mga Barangay Health Worker, Barangay Nutrition Scholar, at Municipal Nutrition Action Office staff.