C.H.E. Workshop, Tinutukan ang ukol sa Pagsalba ng Buhay

Bilang parte ng Grand Medical Mission na pinangunahan ng Philippine Medical Society of Northern California (PMSNC), naghatid ng isang libreng Community Health Education Workshop sa tulong ng LGU-Bayambang, at ito ay idinaos sa Balon Bayambang Events Center noong January 16, 2024.

Ito ay dinaluhan ng mga BHW, BNS PSU nursing student, SVCBI STEM students, at mga kawani ng munisipyo.

Naroon rin si SB Committee Chairman on Health, Councilor Levinson Nessus Uy, upang magbigay ng pambungad na mensahe sa mga participant.

Naging paksa ng nurse na si Gerry Caritan ang “CPR/Stop the Bleed.” Tinalakay naman ni Dr. William Lee ang “Case Studies – Shock” kasama si Dr. Carmen Agcaoili.

Ang CHE ay isang paraan ng mga duktor mula sa PMSNC na ma-update ang kaalaman ng ating mga health worker at estudyante sa kanilang napiling larangan.

(ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: Ace Gloria)